P AGSAMBULAT NG LIWANAG Huwag kang matakot sa malayo at malabong kinabukasan, huwag mong isangla ang iyong ngayon para sa bukas. Ngayon ang tanging totoo. Ang bukas ay isang pangarap lang. Ang nakaraan ay panaginip. Malalim na bangin na iyong kaharap hakbangin mo, dahil may natatagong baitang na naghahantay sa iyo. Pagsambulat ng liwanag lahat ng dilim ay maiilawan, pagdating ng takdang panahon, lahat ng dumi ay malaladlad. Kailan sasambulat ang liwanag? Ang sabi ni Amos pag ang pahayag nila’y… “Tataasan naming ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain naming sa timbang ang mga mamimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhing alipin ang taong dukha.” (Amos 8:5-6) Ayon kay Amos, ang sagot dito ng Diyos ay…. “Sila’y tiyak na parurusahan ko, sapagkat dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga walang sala at ipinagbiling alipin ang di makabayad, kahit sa halaga ng isang pares na sandalyas. Niyuyurakan nila ang mga walang kaya at ipinagtutulakan ang mahihirap” ...
Posts
Showing posts with the label PAGE. 68 to 70