T AG SIBOL? Na aalaala mo pa ba, ng sa ilalim ng bilog na buwan tayo ay nagkita, gusto mong maglaro, magbiro at tumawa? Natatandaan mo pa ba, ang maraming kulay ng mga gumamela, ang sari sari paru paro, tutubing karayom, at ang sayaw ni Pamela? Si Rudyard na matawanin, si Rex na mapagbiro, si Anthony’ ng mahiyain at si Jess na puro laro? Ikaw ba ang unang taya sa laro nating tumbang preso, o ikaw yung dakang umuwi ng sa piko ay matalo? Ilang beses ba tayong naglaro ng taguan, nanguha ng kuhol at namingwit ng palaka sa kabukiran? Kasama ka ba ng si Pedro ay habulin ng itak, ng mapagkamalan ni Lolo Ariong na humuli sa kanyang tagak? Nalimutan mo na ba ng ikaw ay mawala sa tumana, at ng makita ka, nasa tabing ilog at doon papaya’y pinapana? Panahon ng tag sibol noon ng tayo’y magkalayo, ang mga halaman ay nag uusbungan at tanim ay sadya pang patayo. Ako ay nauwi upang magsaka at magpawis sa Cotabato, at ikaw ay napasok at nagmarcha bilang sundalo sa Campo. Paglipas ng dalawampung taon ba...