G ININTUANG MGA SALITA “ N asa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Diyos, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinigay niya sa inyo.  Mabubuhay kayo ng matagal at pararamihin kayo.  Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo.” (Deuteronomio 30:15-18) “ S aksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong anak at mga apo ay magtagal.” (Deuteronomio 30:156-18).        WAKAS
Popular posts from this blog
By
DARG
A RAW NG MGA DAKILA Ang buhay ng tao sa lupa ay sadyang maikli, ang mga taon ay para bang naghahabulan at naglalahong walang pasubali. Ngunit ang limampung taon ay para bang panahong napakahaba, sapat upang makaipon ng salaping milyon at tayo’y magpasasa. Kung ito ang sa buhay ay adhika, para bang nakalimutan natin na sa totoo, 50 taon ay katumbas lang ng 18,250 umaga. Napaka kaunti pala ng ating mga araw at umaga, sino sa atin ang may natitira pang  20,000 araw sa balat ng lupa?    ++++++++++++++++++++++ Ang buhay ng tao ay sadyang mahiwaga, ang mayroon ay nawawalan, at ang maikli ay maari kayang maging walang hanggan? Bukas, sa pagsilang ng isang bukang liwayway, kung mamahalin mo ito at ituturing na isang bagong buhay…… At ito sa Diyos at sa kapuwa tapat na iaalay, lahat ng ulap kaya sa langit ay mawawala at araw ay magkakaroon ng sari saring kulay? Pagkaing walang lasa kaya ay biglang sasarap,  at bawat makasalubong ay kagyat na magngingitian at di iirap? Ang pananakit kaya ng kata...
