BAKIT?
Bakit hindi ka makatulog?
At mapupula ang kulay ng iyong mata
Natatakot ka ba?
Sa iyong mga nakikita
Mas mabuti bang managinip?
O bangunguting gising
Harapin ang katotohanan
At takot ay puksain
O manahimik na lamang
At ang lagim ay tiisin
Mamatay na dilat, at ang anak mo,
ikaw ay sumpain!
Bakit hindi ka makatulog?