SA KABUKIRAN AT KARAGATAN Noong unang panahon, sa kabukiran, mahirap ang buhay, ngunit may karangalan. May awit, tula at kasayahan. Batis ay malinis. Isda’s naglulundagan. Hangin ay may samyo ng pinipig. Dilag ay mahihinhin at naggagandahan. Dagat ay kumikislap. Sugpo, hipon at alimango ay tiklis tiklis. Bangka ay puno ng isda at pag-uwi galing sa dagat, samyo mo ang hanging amihan. Ang punong bayan ay matino, ang konseho ay masipag, ang kapitan del barrio ay matulungin at ang tanod ay maasahan. Ewan ko kung bakit, langit yata ay nagdilim at ngayon kahit sa Calumpit, mga ibong Pipit ay hindi na umiit-it. “Karangalan” ay pangalan na lang ng isang baryo na sikat sa huweteng at shabu. Ang awit ay napalitan ng karaoke sa beer haus na pag-aari ni mayor at ang kasayahan ay ang tunog ng armalite ng mga lasing na miyembro ng konseho. Ang batis ay isang kanal na puno ng burak. Lamok ang naglulundagan. Hangin ay amoy pabrika, dilag ay galing sa Japan. Dinamita sa dagat ay kumikislap. Bangk...
Posts
Showing posts with the label PAGE 7 and 8