SA KABUKIRAN AT KARAGATAN

Noong unang panahon, sa kabukiran, mahirap ang buhay, ngunit may karangalan. May awit, tula at kasayahan.

Batis ay malinis. Isda’s naglulundagan. Hangin ay may samyo ng pinipig. Dilag ay mahihinhin at naggagandahan.

Dagat ay kumikislap. Sugpo, hipon at alimango ay tiklis tiklis. Bangka ay puno ng isda at pag-uwi galing sa dagat, samyo mo ang hanging amihan.

Ang punong bayan ay matino, ang konseho ay masipag, ang kapitan del barrio ay matulungin at ang tanod ay maasahan.

Ewan ko kung bakit, langit yata ay nagdilim at ngayon kahit sa Calumpit, mga ibong Pipit ay hindi na umiit-it.

“Karangalan” ay pangalan na lang ng isang baryo na sikat sa huweteng at shabu. Ang awit ay napalitan ng karaoke sa beer haus na pag-aari ni mayor at ang kasayahan ay ang tunog ng armalite ng mga lasing na miyembro ng konseho.

Ang batis ay isang kanal na puno ng burak. Lamok ang naglulundagan.

Hangin ay amoy pabrika, dilag ay galing sa Japan.

Dinamita sa dagat ay kumikislap. Bangka ay puno ng smuggled na sigarilyo.

Ang kapitan del barrio ang terror ng barrio. Ang tanod ang sumungkit sa sampayan at tumangay sa manok pati na itlog sa nito.

Ang lupang na land reform ay napunta sa mga anak ng land lord. Dumami rin ang drug lord at gambling lord.

Halina, maglibang tayo sa sabungan!


SA MGA OPISINA NG PAMAHALAAN


Totoong narinig sa isang sangay ng BIR, galing sa labi ng isa sa mga magigiting na examiner, pagkatapos niyang ibulsa ang kalakihang bahagi ng buwis…

“Buti nga tinirhan ko pa yong gubyerno.”

Makinig kayo, bayan ng mga alipin, pasalamat kayo, sabi ng kawaning ito, nagtira pa siya.

Totoong narinig sa isang sangay ng BIR, galing sa bunganga ng isa sa mga magigiting na opisyal na inaareglo….

“Kung bibigyan ninyo ako, iyong magandang starlet, hindi ako pumapatol ng basta basta.”

Meron ba akong ebidensiya? Titigan ninyo sila. Tingnan ninyo ang mga nakalock nilang drawer at malilinis at walang papel na mga mesa. Bilangin ninyo ang mga naggagandahang kotse at four-wheel drive sa kanilang parking lot.

Manicured ang kanilang mga kamay. Allergic pag hindi Rolex ang relo, gamais ang laki ng brilyante. Sangkatutak ang frequent traveller miles credit. Bulag ka ba?

Entitled daw sila sa due process. Hindi tamang lahatin daw. Kung hindi kumukurakot, pumipikit. Pareho lang.

Sa iba pang ahensiya, pareho lang.

Sa government owned corporation, mas sophisticated ng konti, paboard board resolution kuno, pa biding biding kuno.

Pakiusap lang, konting tingin sa salamin, para makita ang tutuo. Huwag magtagal, salamin baka mabasag!

Mga alipin, ng kasakiman, hello!


PAGE 7 and 8


Popular posts from this blog