SA MGA PRIBADONG OPISINA
Iyong maliliit na empleyado, gawing automatic ang witholding, iyong milyon at bilyon ang kita, itago ng CPA at abogado ang pera. Sa galing nila kahit sumakit ang ngipin mo, sa kumplikasyon ng transaksyon, malinis.
Iyong maliit na empleyado, ilagak ang pera sa SSS. Iyong milyon at bilyon ang kita, itakbo sa abroad ang pera.
Iyong SSS, dalihin at iimbes sa alanganin ang pera. Ganito rin ang gawin sa empleyado ng gubyerno, ilagak sa GSIS, pagkatapos, parang SSS.
Mas malaki ang kumpanya, mas malaki ang kapit, mas malaki ang kapit, mas malaki ang daya, mas malaki ang daya, mas malaki ang lagay. Mas masaya.
Mas maliit at bago ang kumpanya, I assess, hanapan ng Permit 1, permit 2, permit 3 etc. Lituhin, pahirapan, lituhin, para matutong mag “give”.
Pag hindi ka nagbayad ng tamang buwis, lagay ka. Pag nagbayad ka ng tamang buwis, baka lugi ka. Paano na?
Pag may gagawin kang bagong maayos, kokopyahin ka. Pag maganda ang produkto mo, pepekein ka.
Pag umasenso ang negosyo mo, sosolicitan ka.
Pag umasenso pa uli ang negosyo mo, sasabihin, kasosyo na siya.
Pag bago ang meyor, bayad ka uli.
Pag birthday ni Mike, todo ka.
Pag naging dambuhala na ang negosyo mo, kidnap ka!SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN
Sa Tondo, may mga paaralan, mga bata’y di makapag-aral dahil walang kagamitan.
Bubong ay tumutulo, dingding ay butas, baon ay buntong hininga, paa’y walang sandals.
Guro ay tulala, suweldo’y puro kaltas, sangkatutak ang utang sa kantong tindahan.
Tiket dito, kotribusyon doon, paluwagan dine, utang roon, problema’y singhaba ng prusisyon.
Bata’y tulala na rin at lito, mali mali ang nakasulat sa Dep Ed na nanggaling na libro.
Sabi ng Dep Ed opisyal, okey lang iyan, sabi ng Superintendent walang problema iyan, basta ang kumisyon namin, deretso sa tiyan.
Bata’y sa loob nasiraan, kamangmangan lalong nadagdagan, video-karera nasarapan, rugby ay nasinghutan.
Pagdating sa public highschool, utak na ay bukol bukol, ingles at natutunan, lalong tabikol.
Maling halimbawa, sa lipunan palaging nakita, kaya’t paglabas niya sa iskwela, kumbinsido na okey lang pala, na sa maling paraan kumita.
Supplier ng mali-maling libro, mayabang at palaging bago ang baro.
Hiling ay gawaran siya ng Ph D, ngunit di niya alam siya pala ay sobrang nakapandidiri.
Kasama siyang humubog ng bagong henerasyon, ng mga susunod na alipin, sa ating naturingang sibilisasyon.
PAGE 9 and 10