SA MGA PRIBADONG PAARALAN
Sunod sunod ang dating ng mga Expedition at four wheel drive, mga batang spoiled brat, di driver pa’t bodyguard.
Ingles dito, islang doon, galing kami sa Paris, sa New York nagbakasyon.
Cell phone dito, Prada doon, gold credit card dine, halina na at sa UCC o Starbucks magkape.
Paslit na nagtitinda ng sampagita, di na nakikita, pulubing humihingi ng barya, amoy ipis daw pala.
Ang tanong sa amang kongresman, ang hiling sa Papang heneral, bakit di ipahuli ang mga duming iyan, na nagkalat sa lansangan.
Baka lang sila masagasaan pag nag drag racing kami, baka lang maisnats ang bracelet ng GF naming marami.
“What’s up dude!” pagdating ng gabi, ang tanong nila, may Ecstacy ka ba?
Bored kaya kailangang gumimik, sampalin ang waiter para matahimik.
Nang gawing mag-uumaga, talagang basag na, ang katuwaan, katabing kapwa mayabang, armalite ay ispreyan.
Pagdating ng bagong umaga, lapit sa amang government Kontratista, “Pa, meron ka ba?.”
“O eto anak ang bente mil, huwag mo na lang akong abalahin, may smuggling deal pa akong hahabulin.”
Sakay ulit sa Expedition, sunod sunod na naman ang pila tungo sa iskul nila. Di driver at bodyguard pa.SA MGA KORTE, BUPETE AT AHENSIYANG NAGPAPATUPAD
DAW NG BATAS
“ Okey lang, iisyu mo na iyong freeze order, nai-withdraw na naman ang lahat ng deposit” He he he.
“ Iisyu mo na iyong hold order, nag-take off na naman iyong eroplano.” Hu hu hu.
“ Iisyu mo na iyong warrant of arrest, nasa Hong Kong na iyong bata natin.” Ha ha ha.
“I invoke my right to privacy.” He he he.
“I invoke my right against self-incrimination” Ha ha ha.
“Alam mo ba kung sino ako?” Hu hu hu.
“ Sige raidin mo na, nakatakas na naman si big boss.”
“ Sige, pa imbistigahan mo na, naraid na naman namin ang bahay niya at nakuha na namin ang kumpyuter at naitago ang lahat ng ebidensiya.”
“Sige arestuhin mo na, iyan yung boy na taga bili ng pancit. Siya ang most guilty.”
Bulyaw ng partner, “Wala akong pakialam kung hawak pa niya ang baril na umuusok, entitled siya sa due process.”
Unang tanong ng partner, “Sino ba ang bata natin sa dibisyong iyan?”
Ano ang masasabi mo tungkol sa korte?
“Wala, wala.Gusto mo ba akong madis bar?”
PAGE 11 and 12