SA MGA PRIBADONG PAARALAN Sunod sunod ang dating ng mga Expedition at four wheel drive, mga batang spoiled brat, di driver pa’t bodyguard. Ingles dito, islang doon, galing kami sa Paris, sa New York nagbakasyon. Cell phone dito, Prada doon, gold credit card dine, halina na at sa UCC o Starbucks magkape. Paslit na nagtitinda ng sampagita, di na nakikita, pulubing humihingi ng barya, amoy ipis daw pala. Ang tanong sa amang kongresman, ang hiling sa Papang heneral, bakit di ipahuli ang mga duming iyan, na nagkalat sa lansangan. Baka lang sila masagasaan pag nag drag racing kami, baka lang maisnats ang bracelet ng GF naming marami. “What’s up dude!” pagdating ng gabi, ang tanong nila, may Ecstacy ka ba? Bored kaya kailangang gumimik, sampalin ang waiter para matahimik. Nang gawing mag-uumaga, talagang basag na, ang katuwaan, katabing kapwa mayabang, armalite ay ispreyan. Pagdating ng bagong umaga, lapit sa amang government Kontratista, “Pa, meron ka ba?.” “O eto anak ang bente mil, huwag ...
Posts
Showing posts with the label PAGE. 11 to 12