ALAY SA DA BEST ORGANIZATIONS OF DA LAND

Ang mga runner up – Meralco, BIR, GSIS, PEA, SSS, Bureau of Customs, NFA at marami pa.

Kabunyi bunyi, kagiting giting, kahanga hanga, kabilib bilib, sobrang ang pagkadakila nila. Hihimatayin ka.

Dapat lang ipagtayo ng mga bantayog ang mga namuno at namumuno, at mga datihan at ngayong kagawad ng mga organisasyong ito na naging sanhi ng matinding pagka alipin ng mga Filipino. Hindi naman lahat, pero kilala nila ang kanilang mga sarili. Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay kayo….hanggang sa panahon ng paghuhukom!

Dan da ran dan dan dan !! Ang numero uno, ang pinaka bukod tangi, ang talagang da best of da best…..NAPOCOR.

Dalawang daang bilyong utang.
2 0 0 , 0 0 0 , 0 0 0 , 0 0 0



NPC sa Luzon. NPC sa Visayas. NPC sa Mindanao. Bravo!

Dakilang palabigasan ng napakaraming inginir, kontraktor, supplier, kastilaloy,singkit at puting bisnisman daw sila.

Tatlumpung taong hinuhuthot, sinisinghot, inuut ot. Hay sarap ng tabakong galing sa kurakot.

Teknikal daw na bagay na piso ang tunay na halaga, sa NPC doble o triple o times 30 ipapasa.

Power plant na bulok ibibid kuno sa presyong kasulasulasok. Pag umangal ka, katakot takot na sindikato, tatakutin ka.

Yung “Power” ng National Power hindi tungkol sa elektrisidad, kundi amoy ng kilikili nila.

Hindi tutuo? Magnipayin glass mo ang lahat ng transaksyon, sigurado ko, masusuka ka!


SA CHINA TOWN

Sobrang sipag at tiyaga ng iyong ama, Chinang naghihirap, tinakasan niya, upang ikaw, mamuhay sa sagana.

Lahat ng bagay bagay at abubot, ibinenta niya, bote’t dyaryo, garapon at karton, sa araw at ulan binili niya.

Lahat ng panlalait at pang iinsulto, pagkutya’t pagtawa, pinag tiisan at tinanggap niya.

Ngayon, makalipas ang kalahating siglo, kamag-anakan niya ay lahat tunay ng sagana.

Anak ay graduate sa London, apo’y aral sa Stanford at New York, Harvard at iba pa.

Bahay ay lima, sa Forbes, Alabang, Greenhills, condo sa Fort at marami pang iba.

Sa bayang sa kanya ay nagpayaman, galante daw siya,
Bigay dito, bigay doon, donate dito, donate dine.

Dito para ke meyor, doon para ke kongresman, dito para sa BIR, dine para sa Customs.

Galit sa trapik at bako bakong kalsada, inis sa masamang law and order kondition, sa pamamalakad Pinoy daw ay tanga.

Tingnan mo ang Shanghai, tingnan mo ang Beijing ang wika niya. Doon walang tong at kidnap, dagdag pa niya.

Dito ang daming kawatan at buwaya, manggagawa ay tamad at mga aktibista.

Sa mga buwaya, sino ba ang nagpalaki, tayong lahat ay may sala.

Kung bayan ay managana, tayo lahat ay sagana, pero kung ang yaman ay sa iilan ilan, mapipigil ba, riot sa kalsada?

PAGE 13 and 14

Popular posts from this blog