P aumanhin. Kung sa katotohanan ikaw ay nasaktan, ang aking adhika, iyong isip ay mabuksan. Hindi ito isang pamahiin. Bagyo ay palapit, langit ay nagdidilim, tayo ay kailangang lumilim. Kung ito ngayon ay hindi pansinin, bukas ng anak mo ay magiging bula, huwag ako ang sisihin. Ang tanong mo, bayan bakit nagkaganyan? Ang sagot ko, sa ating kapabayaan, lahat mawawalan. Paano? Paano? Sino? Sino? Kailan? Kailan? Ang tinig sa kaibuturan ng puso mo, iyong pakinggan. Ang dugong sa ugat mo ay nananaloy, ay di pa rin napapawi at di pa lumilisan. Ang pagmamahal mo sa bayan mo, ay silakbo at lagablab ng apoy, na di mapaparam. Titigan mo ang iyong watawat, at maaaninag mo ang tamis ng ngiti ng iyong mga mahal sa buhay. Alalahanin mo ang iyong lumipas at magkakaroon ka ng lakas na walang impaktong makasasaway. Magbabalik ang tula sa iyong mga bundok, ang awit ay muling mananaig sa iyong kapatagan. At muli mong maaala ala, at taas noo mong bibigkasin, Ang bayan mo, ay tunay na Perlas ng Silanga...
Posts
Showing posts with the label PAGE. 33 to 35