Paumanhin. Kung sa katotohanan ikaw ay nasaktan, ang aking adhika, iyong isip ay mabuksan.

Hindi ito isang pamahiin. Bagyo ay palapit, langit ay nagdidilim, tayo ay kailangang lumilim.

Kung ito ngayon ay hindi pansinin, bukas ng anak mo ay magiging bula, huwag ako ang sisihin.

Ang tanong mo, bayan bakit nagkaganyan? Ang sagot ko, sa ating kapabayaan, lahat mawawalan.

Paano? Paano? Sino? Sino? Kailan? Kailan? Ang tinig sa kaibuturan ng puso mo, iyong pakinggan.

Ang dugong sa ugat mo ay nananaloy, ay di pa rin napapawi at di pa lumilisan.

Ang pagmamahal mo sa bayan mo, ay silakbo at lagablab ng apoy, na di mapaparam.

Titigan mo ang iyong watawat, at maaaninag mo ang tamis ng ngiti ng iyong mga mahal sa buhay.

Alalahanin mo ang iyong lumipas at magkakaroon ka ng lakas na walang impaktong makasasaway.

Magbabalik ang tula sa iyong mga bundok, ang awit ay muling mananaig sa iyong kapatagan.

At muli mong maaala ala, at taas noo mong bibigkasin,

Ang bayan mo, ay tunay na Perlas ng Silangan!


483 TAON ANG NAKARAAN


Maliit lang ang lugar niya, pero langit ito sa kanya.Walang karangyaan ang buhay niya, doon siya maligaya.

Dagat niya ay may isda, puno niya ay may bunga. Halaman niya ay malago, sa batis siya ay naliligo.

Bahay niya ay pawid at kawayan, bakod niya ay halaman, duyan niya ay nasa lilim ng bakawan.

Anak niya ay nakahubad, ngunit walang dapat ikahiya. Maybahay niya ay simple, ngunit singganda ng diwata.

Mga kasama niya ay masisipag, walang tutulog tulog sa papag. Gawain nila ay mangahoy, mang usa, mangisda at magtanim, Hindi sila napaabot sa dilim.

Sa gabi, ang mga sulu nila ay may sindi, buwan ay kulay dilaw, at bituin hindi mo mabilang sa dami.

May tula, may awit, may tulungan, may bayanihan. Matatanda’y matitino, at kagalang galang, bata’y masunurin, mapaglaro, at sa gabi’y nagtataguan.

Walang ganid, mapang api at walang galit, dahil mabilis ang hustisya, ang masama, putol ang ulo, mata’y dilat sa langit.

Isang araw, banyagang mayabang sadyang sumaglit. Naikot niya daw ang buong mundo, kaya’t walang datung hindi niya mapipilit.

Taga, pana at sibat sa kanya’y humabinit, si Lapu-lapu kay Magellan ay hindi papipiit.

Bangkay ni Columbus maaaring naiuwi nila mula sa Amerika, pero kalansay ni Magellan, sa buhangin ng Pilipinas namuti na.


OKTUBRE, 2004

Nakadamit pambahay lang siya, ng ang isang motorsiklo ay huminto malapit sa kanyang bahay-opisina.

Sakay na lalaki agad na bumaba sa Calle Zapatera. Bitbit ay kwarenta’t singko, nagbabadya ng lagim, sa bawat hahara hara.

Alingawngaw ng apat na putok, gumulantang sa asawang sa kalapit na tindahan pansin ay nakatutok.

Ang sindak ay napalitan ng galit at himutok, ng matagpuan ang asawang sa sariling dugo ay nakalugmok.

Apat na bala, ang pinakawalan nila, dalawa sa leeg at dalawa sa panga.

Wasak ang mukha, ngunit gumapang pa rin siya, bago mamatay, isang “frame” ng salita ng Diyos, niyakap niya.

Si Arbet Sta. Ana Yongco, Manananggol, ay tunay na bayaning magiting, tapat na alagad ng batas at ng Diyos, at wala halos kahambing.

O mahiya ka Amerika, mainggit ka buong mundo, dito sa bayang Pilipinas, may manga dilag kaming daig pa ang santo!

Tagapag-usig si Honorable Arbet Sta. Ana Yongco, ng isang kalagim lagim na krimen na ang accused ay si Ecleo.

Ang suspek ay parang Diyos daw ng isang kulto, at may kamag-anak pa sa Kongreso. Ang krimen daw ay pagpatay sa asawa, na nasundan pa ng kamatayan ng marami pang iba.

Walang takot, dakilang abogado, ang lumaban, si Yongco.

PAGE 33 to 35


Popular posts from this blog