MAYO, 1942

Ika 19 ng Pebrero, 1886 ng isilang ka, sa bayan ng San Fernando, Pampanga.

Nagsunog ka ng kilay sa dayuhang lupain at pagkabalik ay sa Katarungan naging Kalihim.

Sa iyong tiyaga at galing, puno ng Kataas taasang Hukuman, iyong narating.

Ng ang mga puno ng bayan, dahil sa Hapon ay lumisan, bigat ng sambayanan, sa iyo ipinapasan.

Pangakong binitawan, di mo naisip atrasan, pamimilit ng kalaban, iyong tinanggihan.

Sa Cotabato, punlo ay umulan, ika’y nanatiling nakatayo at walang pakundangan.

Mapanlubig na banyaga, sa iyo ay sadyang nagalit, dahil ayaw mong bumigay sa kanilang pang aakit.

Nagkalat ang mga makukulay na bulaklak ng Mayo, ng sabihan ka nila na hindi ka na tatayo.

Ang tangi mong kahilingan, iyong anak ay makausap, at sa kanya ang hatol na kamatayan ay ipagtapat.

“Itago mo ang luha mo Pepito! Isang bukod tanging karangalan, na ang isang tao ay mamatay, para sa bayan.”

Dagundong ng mga baril, sa katihimikan ay yumanig, ngunit si Jose Abad Santos, ay nangiting sumakabilang panig.

Huwag kang lumuha Pepito, ang langit na may dala ng ulan ang luluha para sa iyo!


PEBRERO, 1986


10:45 ng umaga, Pebrero 11, 1986. Halos kataasan ang sikat ng araw, sa harap ng bagong Kapitolyo ikaw ay nagpapahinga.

Tahimik ang kapaligiran, dahon ng puno ay sumasayaw at ang hangin sa mga bulaklak ay pahalik halik.

Bigla na lang, anim na kalalakihan, na naka hood, patig at may tig iisang M-16, sa isang humintong sasakyan ay sadyang nagtalunan.

Bala ay biglang humaginit at nag ulanan, balikat mo’y sobrang hapdi dahil natamaan.

Duguang todo-todo, nakuha mo pang tumakbo, kahabaan ng hardin, pazig zag zig zag mong narating.

Sa pagnanais na abang buhay ay mailigtas, sa tubigan ng hardin ika’y nagkabali baligtad.

Ang mababangis at mala hayop mong kalaban, wala balak na buhay kang iwanan.

Ang toilet ng isang gusali sa kabilang daan, iyong pilit na tinakbo at ginawang kanlungan.

Parang tupang nasukol ng mga halimaw, inabutan ka nila at ang dimonyo sadyang sa kanila ay kumubabaw.

Dalawampu’t apat na bala ang sa ulo at katawan mo ay kanilang ipinunla, at ang buong bayan ay natulala.

Ang iyong kasalanan. Nilabanan mo ang diktadura at ipinagtanggol ang halalan.

Pagkatapos ng halos dalawampung taon, ang gantimpala sa iyo, ang na accused na mastermind, ay kanilang pinakawalan.

Evelio B. Javier, sa langit huwag kang mabahala, Diyos ang gaganti para iyo, at magbabago ng tadhana.


DISYEMBRE, 1899


Ano kaya ang pakiramdam mo kung ikaw ay edad bente cuatro. Batang bata ka pa, kaya pag –nakaupo ay naka de cuatro.

Makisig kang tumayo, maliksing kumilos, malinaw ang mata, mahilig ngumiti, at panay hilamos.

Para ang mga naggagandahang dilag, sa iyo ay mamangha, at puso nila, sa iyo ay malaglag.

Ngunit pag-ibig sa bayan, ang nanaig sa puso, at sa kabundukan ng Lepanto, doon ka nalayo.

Sa dilim ng gabi, lamig ng Disyembre, naghantay ka ng katapusan, na walang pakeme keme.

Animnapo ang iyong kakaba kabang kasama, kalaban ay apat na daan, kaya’t pakiramdam mo ika’y nag iisa.

Nang mag umpisa ang katakot takot na putukan, ay buong giting kang lumaban, at tungkulin mo’y ginampanan.

Tirad Pass ay buong giting mong binantayan, ngunit tineydor ka ng iyong mga kalaban.

Patay halos kayong lahat ng matapos ang labanan, at ang nagulat na mga Amerkano, ang katotohanan ay nalaman.

Isang batang batang heneral ang nag buwis ng buhay, at lahat ng mga mahahaba pang niyang araw, sa bayan inalay.

Heneral Gregorio del Pilar, edad bente cuatro, ng sa Tirad Pass ay mamatay!

Ang sariwa niyang dugo, sa kulay pula ng ating watawat, siyang nagbigay buhay.

PAGE 36 to 38

Popular posts from this blog