SETYEMBRE, 1987
Ang pangalan niya ay Rusan, anak siyang babae ni Lidy, isang taon siya ng maulila.
Nakalipas na ang mahigit labing pitong taon, ang pumaslang sa ama niya ay maaring palakad lakad pa sa Raon.
Nang bata pa ang tatay ni Rusan, ay mahirap itong pamarisan, sampung taon pa lang ay hilig magbasa ng Encyclopedia.
Sa batang kaisipan gusto niyang makita, tunay na lagay ng bayan na sinalot ng mga pugita.
Sa paglaki sa UP siya namulat, lahat na lang ng pang aapi kanyang sadyang binulatlat.
Mga kasinungalingan kanyang ayaw paniwalaan, mga kabulaanan di niya pakikinggan.
Hanay ng mga manggagawa kanyang kinampihan, daing ng mga magsasaka kanyang pinagbigyan.
Bagong Alyansang Makabayan kanyang buong pusong sinuportahan at pinaghirapan.
Laking tuwa niya ng noong 1986 diktadura’y naparam ngunit hindi niya alam, isang taon na lang at siya ay magpa paalam.
Inambus siya paglabas ng gate, sa St. Luke dinala ngunit masakit, ang lunas ay naleyt.
Bente siyete pa lang si Leandro “Lean” Alejandro ng siya ay paslangin, ngunit libo libo ang para sa kanya ay nanalangin.
O bayang sawi, bakit ang mga tala mo’y palaging maaga kung iyong pitasin?MAYO, 2002
Sa Pagadian, Zamboanga del Sur, ay mayroong matapang na radio comentetor at managing editor.
Mga salita niya’y masasakit, mga expose niya’y malulupit, freedom of da press, kanyang ipipilit.
Isang dati daw na pulis sa kanya daw ay natuwa, kaya pagbababa sa kanyang sasakyan, baril ay ibinulaga.
Dalawang testigo positibo daw na nakita ang pulis, pero ng mahuli ito, makalipas ang isang buwan, nakawala, sa custody ng mga pulis.
Istorya ng dalawang testigo ay kanilang pinanindigan, pero superintende ng pulis, ibang suspek ang pinagdiskitahan, gayong ang suspek na pulis, di inimbistigahan.
Testigo ngayon ay natatakot, suspek na dating pulis, sa palilid ligid ay paikot ikot.
Ang suspek na dating pulis daw pala, sa isang dambuhalang sindikato ay kasama, at ngayo’y maghihiganti na.
Bukod dito ay may isa pang milagro, mukha ng dating pulis dahil daw sa surgery ay nagbago.
Takbo paa takbo, lisanin mo ang bayan ng San Pablo, doon daw nakita ang mga diablo, na mukha ay binago.
Ang komentetor at mamahayag na si Edgar Damalerio ay nalibing na, pero ang dalawang testigo sa pagkamatay niya, ay mukhang sila ang susunod na.
Huwag mo itong ilagay sa diaryo, baka ikaw rin ang isunod…..na takpan ng diaryo.1986 – 2004
Sabi ng pandaigdig na Komite ng Nagproprotekta sa mga Mamamahayag, Pilipinas daw ang pinakadelikadong lugar para sa isang mamamahayag.
Kung hindi ito totoo, puwede bang pakibasa ninyo ang talaan ng walumpu’t limang mamamahayag na sa pagitan ng taong 1986 at 2004 ay sadyang pinamanatag.
Karapatan ninyong malaman ang katotohanan, kanilang lubusang ipinaglaban hanggang kamatayan.
Kalayaan ng pamamahayag malaki ang kanilang pananalig, dahil dito, sariling dugo ang ipinandilig.
Bayani silang lahat ng ating abang bayan, dapat araw araw mga kampana ng simbahan, para sa kanila ay nagtutunugan.
Sa kanilang mga pumatay, ay halos wala pang nahuli, baka kaya ang taga huli, abalang nagsasayaw, sa Culi culi.
PAGE 39 to 41