8, 0 0 0, 0 0 0 = nagtratrabajo sa labas ng bayan

2 4, 0 0 0, 0 0 0 =
naghahantay ng padalang pera

2 7, 0 0 0, 0 0 0 =
naghihikahos at nagugutom

2, 0 0 0, 0 0 0 =
ordinaryong indibidwal na taxpayer

1 0, 0 0 0, 0 0 0 =
dependyente ng indibidwal na taxpayer
---------------------------
7 1, 0 0 0, 0 0 0 =
suma at total

9, 0 0 0, 0 0 0 =
di kasama sa usapan
---------------------------
8 0, 0 0 0, 0 0 0 =
total na populasyon ng Pinas
================
Siyam sa bawa’t sampu hirap na hirap na.

Hindi pa halos nag uumpisa ang krisis. Krudo ay $ 55 na. Itaas mo ang gasolina, itaas mo ang buwis, itaas mo ang pamasahe, itaas mo sa langit ang toll fee, itaas ang bilihin.

Filipino, sa lubid na lang, ikaw ay magbigti!


MGA BALATKAYO’T MGA SABLAY


1998 – sabi ni ERAP

“Binabalaan ko sila. Walang kaibigan. Walang kumpare. Walang kamag-anak o anak na maaaring magsamantala ngayon....huwag n’yo akong subukan!”


2004 – sabi ni GLORIA

Pag alis ko anim na taon mula ngayon ay may nagawang milyong milyong trabajo...

“…. Mahigit anim na milyong trabaho, kung maaari sampung milyong trabaho.”

Isang milyong hektarya ang madedevelop…

“Kuryente at tubig para sa lahat ng barangay.”

“Imoral ang walang sawang pagtatamasa ng mayaman at makapangyarihan habang paunti ng paunti ang itinitira sa dukha.”

“Imoral ang pagkamanhid at katiwalian ng pamahalaan samantalang kinakapos ang mahirap sa gamot, paaralan, tirahan at tubig.”

“Imoral na pabayaan ang mga kaaway ng ating demokrasya na takutin ang ating mga anak, paralisahin ang ekonomiya at ipahamak ang ating kinabukasan dahil ang pinakanahihirapan sa lahat ng ito ay ang mga maralita.”


WA NA KO SAY


MGA HALIGING INAANAY

Ang simbahan mo ba’y palaging nanghihingi ng pera, pero ang kuwarta nila sa bangko ay sangkaterba.

Sadyang umaapaw, daan ang investment consultant nila, sa mga bukid na ginawang subdibisyon, imbestor sila.

Sa urban naman ay sali sila sa mga bumaligtad na banco, escuelahan nila con todo kolekta, sobrang pondo, basta may interes, pasok kahit anong negosyo.

Magaling magsermon, magaling mamuna, pero mga kasaping may kasalanan, sa abroad magtago muna.

Hindi mo pa ba maunawaan, hindi mo pa ba mawata, isa kang haliging inaanay.

--~~==+++==~~--

Ang pamahalaan mo ba ay magaling magpaliwanag, elepanteng sa silid naglalakad ay isa lang daw na kulisap.

Lahat ng tauhang may kasalanan ay parusahan, itago muna sa korteng makupad, hanggang ang init ay malimutan

Hilinging ang dukha, sa lahat ng bagay ay magsakripisyo, pero ang epekto ng mga maling nagawa, ay purong perwisyo.

Taas noong sisihin ang lahat at ang publiko’y bulyawan, namumula ang mukhang sabihing hindi sila mga kawatan.

Hindi mo pa ba ma gets, hindi mo pa ba matanto, na ang pagsisilbi sa bayan, ay hindi pang uuto. O isa kang tunay na ina, ng anay.

Ang mga magulang at lipunan mo na ba ay nahihimbing habang ang nangyayari sa iyong paligid ay gabi ng lagim.

Ang natitira na lang ba nilang adhika ay sa yaman magkamal, para ang mahal nilang anak italilis pag dilim.

Palagi ba nilang sa iyo sinasabi, bayan ay wala ng pag asa, ayaw magbayad kahit kaunting buwis dahil ito daw ay mabigat na parusa.

Walang tunay na pagtingin sa lupang hinirang, dolar, green card at bisa, ang akala nilang tunay na pag-asa.

Tatlong haligi ay halos wala na, bakit nandito ka pa? Ang bahay ay tuluyan ng ibigay, sa mga anay.


--~~==+++==~~--

Isusuko mo ba ang iyong sariling anak kung sa batas siya ay nawaglit, at ang tamang parusa, sa kanya ihagupit?

Kung hindi ang iyong sagot, ay mauunawaan mo na bakit , ang lakas ng batas sa ating bayan ay sadyang maliit.

Kung una sa buhay mo ang sarili, anak, familia at kaibigan, unawain mo na ang tunay na pagmamahal ay una sa Diyos, pangalawa sa Inang Bayan.

Kung ang pananaw na ito ay iyong pagtatawanan, itong nasulat na aklat, oras ay di na dapat pag aksayahan, dahil sadyang di maiintindihan.

Hulaan mo kung sino ang anay? Sino ang tunay na alipin?


PAGE 25 to 28

Popular posts from this blog