PEBRERO, 2004
Anak ka ng isang magsasaka at upang mahango sa hirap sa Maynila ay nagpunta.
Doon ay iyong nakita, na ang aba, mahirap at api sa probinsiya, ay siya pa ring aba, mahirap at api sa kabisera.
Dahil dito ang pag aaral at pag protesta sa kalsada, ay iyong parehong inasikaso at pinagsama.
Doon sa Malacanang magsasaka ang iyong kasamang nag marcha, upang sa punong bayan daing ay ipakita.
Sa halip na pang unawa at pagkalinga, sa Mendiola, ang kanilang isinalubong ay nagsisiklab na mga tingga.
Ang mga patay na magsasaka ay isang dosena, ang lasog lasog nilang mga katawan, nagkalat sa kalsada.
Pag aaral ay iyong sadyang tinapos, bilang abogada, bumalik ka sa iyong lalawigan upang tulungan ang mga naghihikahos.
Bayan upang tunay na maituwid sa politika ka pumasok, gawang mabuti ay sadyang marami, para kang sulong umusok.
Dahil sa sadyang galing nahalal kang bise alkalde, at dahil dito ang hiling ng bayan, tumakbo kang alkalde.
Sa Barangay Pinagsabagan kanila kang tinangbangan, ngunit nagawa mo pang tumakbo, tungo sa Calapan.
Ang mga dayukdok na kampon ng dilim at mga salot, sa Sitio Amugis ng Barcena ka nila inabot.
Atty. Jovy Magsino, pinatay ka nila sa idad trenta’y cuatro pati na ang kasama mong idad bente tres an si Lema Furto.
Umiyak ka Naujan, ang iyong bayani, ikaw ay iniwan!DISYEMBRE, 1896
Ang alon ng dagat na nahampas sa bato ay iyong sinulyapan, likha nito’y ugong na parang kulog na nag aalpasan.
Ang tubig na sumaboy, naging libo libong bula, at sa tama ng araw ay nagsipagningningan at daka dakang nawala.
Sa bawat hakbang, para bang lahat ng lumipas mo’y bumabalik, dampi ng hangin ay ala ala ng dilag na minahal, at sa iyo ay humalik.
Sa bawat pagbunot ng hininga, dama mo ang matamis na samyo ng bulaklak ng sampagita.
Hindi mo na sila nakikita, hindi mo na sila naririnig, wala ng pananakit na magagawa sa iyo kahit ang buong daigdig.
Pagdapo ng mga bala sa iyong katawan, wari mo ba’y para lang itong mga paru-paro na dumampi sa halamanan.
Mga anghel ba ang naghiga sa iyo sa damo, dahil buong banayad ka nilang sinalo.
Mata mo bago iyong isara, liwanag ng libo libong brilyante ay nabanaagan at nakita.
Ang araw pala sa silangan ay sumisikat na, kanta ng mga ibon ay iyong naririnig pa.
O Jose Rizal, alam kong maligaya ka na, dahil labi mo ay nangiti at nahimbing na ang iyong kaluluwa.
Paalam.AGOSTO, 1983
Masidhi ang iyong pagmamahal sa buhay. Batang bata ka pa ay sabik na sabik ka nang malaman kung ano ang ito sa iyo ay iaalay.
Nagmamadali kang matarok ang hiwaga ng daigdig, kaya sa murang idad bilang isang reporter, ang mga suliranin nito ang iyong naging kaniig.
Sa mga tapat na naghahanap, ang kapalaran ay sadyang mapagbigay, kaya karunungan at kasaganaan iyong natamong sabay.
Ang panaghoy ng bayan mong binabalot ng dilim ng kasakiman, iyong narinig at naiintindihan.
Ang diktadurang sa yaman ng bayan ay nagpasasa at nagpasarap, iyong buong tapang na hinarap.
Ang mga linta at salot ay di papipigil, ika’y pinahirapan, ibinilanggo at siniil.
Sa katahimikan at kalungkutan ng kulungan ika’y nawalan ng aliw, pangamba ay pumasok at ibig kang mabaliw.
Ang buhay at talagang mahiwaga, sa lalim ng kawalan ng pag asa, iyong narinig ang tinig ni Bathala.
Ang salita ng Diyos sa iyo ay nakarating, dala ay walang kasukat na liwanag at pagmamahal na walang kahambing.
Lumabas ka ng bansa upang doon ay magpagaling, ang pahinga ay naging pagkabalisa, sa layaw ayaw mahumaling.
Bumalik ka, sa isang itinakdang kamatayan, sa takot ng mga Diablo, sadya kang pinatay sa paliparan.
Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., ikaw ang pinakamagaling na Pangulo ng Pilipinas kahit hindi ka man naging Pangulo.
PAGE. 48 to 50