PMA CLASS 2000 SANGHAYA

O kabataan Pinoy, na hibang sa cell phone at gimik, pakinggan ninyong mabuti, ang mga namatay may paghibik.

Bente dos lang si 2Lt Gene Kenneth Bulong, ng siya ay sa Lamitan, Basilan, in the line of duty, ay di umurong.

Sa Abu Sayyaf siya’y nakipaghamok, upang sa karapatan mong makapagtext ng payapa, dugo niya’y ipinalagok.

Ang pinangungunahan niyang AFV ay sadyang pinasabog, RPG sa kanya idinagok, katawan sabog sabog.

Gene Kenneth Bulong, bayani ng bayan.


Bente dos lang din ang idad ni 2Lt Jessica Chavez, ng ang buhay niya’y tinapos ng isang bala, tama sa kanyang chest.

Sabi ng kanyang ama, sanhi ng pagkamatay. ay paglaban sa katiwalian sa sandatahang lakas ng walang humpay

Ang criminal case laban sa mga suspek na kapwa militar, idinrap ng prosecutor ng Rizal.

Jessica Chavez, bayani ng bayan.


Sa mga miyembro ng PMA Class 2000 Sanghaya, kami’y nagpupugay, lima na sa inyo ang iniuwing bayaning bangkay,

Sa nakaraang limang taon, araw araw, isang sundalo, sa ating bayan ay namamatay, sa nakaraan sampung taon, bawa’t dalawang araw, isang sundalo ang nawawalan ng buhay.

Sa pagtatanggol nila sa iyong karapatang mapayapang magkapag text, ang suweldo kahalaga ng isang cel phon ang kapalit ng buhay. Bakit di mo ito sa kabarkada i text?


1564 – 2004

Apat na siglo at apat na dekada na ang panahong lumipas, na ang dayuhan at mga mang aapi sa ating bayan ay malakas.

Ang mga dayuhang mapangsamantala ay lumisan, ngunit mga lokal na linta naman ang sa atin ay puminsan.

Milyong Pilipino, sa pang huhuthot at pagpapabaya ng Kastila’y natunaw, milyong Filipino rin ang sa paglaban sa pagsakop ng Amerika ang mga nangamatay.

Milyong Pilipino dugo’y ibinuwis laban sa paglusob ng mga Hapon, milyong Filipino rin kaya ang kailangang buhay ay maputol, upang pagka alipin ay matapon?

O Filipino, hindi pa ba sapat na ang mga bayani at bulaklak ng kabataan mo’y pitasin, upang ang sakit mo ay alisin?

Alipin ka bang talaga ng pagkahayok at kasakiman, o sadyang ang puso, sa kagitingan ay walang laman?

Ang lupain mo ay naapaw na sa dami ng luha at dugo ng mga dakila, naririnig ko na ang pagkapatid ng iyong tanikala.

Nababanaagan ko na sa silangan ang pagsikat ng araw, naaninag ko na sa dilim ang pagkilos ng bulalakaw.

Sa iyong matinding pagkahimbing, dahan dahan ka ng babangon at tuluyang magigising.

Hindi ka ginawa ng Diyos, upang maging isang alipin, bangon at takot ay puksain.

Ang mga anak at apo mo, kailan man ay di na magiging alipin, dahil ikaw, ang papawi sa masamang pangitain.

Sa nagbubukangliwayway na umaga, ang Bayan,

ikaw ang tanging pag –asa!

PAGE. 51 to 52

Popular posts from this blog