"Sa Aking Inang Bayan:



Sa pagmimithi ko sa iyong kabutihan, na siyang kabutihan naming lahat, at sa pagdulang ng mailalapat na lalong mabisang panlunas, ay gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao noong unang panahon sa kanilang mga may sakit: itinatanghal sila sa mga baitang ng templo upang bawa’t taong masadya roon at manalangin sa Diyos ay makapaghatol ng isang kagamutan.

At sa ganitong layon ay pagsisikapan kong mailarawan ang iyong kalagayan sa paraang tapatan at walang pangingimi; itataas ko ang isang laylay, ng birang na kumakanlong sa sama, iwawaksi ang lahat alang-alang sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa sarili, sapagka’t ako, na anak mo, ay nagtataglay rin ng iyong mga kapintasan at kahinaan”


JOSE RIZAL
Europa, 1886
Pag-aalay ng may-katha: Noli me Tangere.




Popular posts from this blog