FILIPINO. Bakit kung lumakad ka ay nakayuko? Nakatingin sa paa, iiling-iling, bubuntong hininga, kunot ang noo, nanlulumo at mata’y namumugto?
Iniwan ka ba ng iyong hirang, naloko sa Multitel, inotso ni Baladjay, naiwan sa pansitan, o nahoyo?
A, alam ko na, naunawaan ko na, na gets ko na…… isa kang alipin!
Hindi ba nakawala ka na sa mga Kastila, nakatakas sa mga Hapon at nakalusot sa mga Kano?
Ang iyong tanong, “Paanong naging alipin pa rin ako?”
“Ang sakit mo namang magsalita, Kuya Eddie.”
Ang sagot ko, “ E di ba tama, na pag hindi ka malaya, marami kang utang, wala kang patutunguhan….
At kagat mo ang iyong dila, ayaw mong magsalita, hindi ka makaangal at ang mga anak mo’y walang kinabukasan, ay …isa kang alipin?
“Hindi na uso iyan.” ang sabi mo. “Wala ng alipin, namamahay man o sagigilid, tumataban man o tumarampuk.”
“Noong panahon ni Lakan Dula o ni Gat Maitan maari pa, ngayon wala na.”
“Aha, iyan ang pangunahing katangian ng isang tunay na alipin…hindi mo na makita, hindi mo na matanggap, hindi mo na marinig…….ang kalansing at taginting ng iyong sariling tanikala!”SA ABROAD
Isa sa bawat sampung Filipino ngayon ay wala sa Pinas. Walong milyon ng ating mga magigiting na kababayan ay nasa abroad.
Nagna-nurse sa Chicago, nagme-mesenger sa California, Nagwe-waiter sa Las Vegas, nagpuputol ng puno sa Minnesota.
Nage-engineer sa Thailand, nage-entertainer sa Malaysia. Manager sa Jakarta, maid sa napakaraming lugar.
Nagda-drive sa Iraq, umiiwas sa bomba sa Israel, nasasapol ng bomba sa Espanya!
Nasa yelo ng Alaska, araw ng Hawaii, disyerto ng Arabya.
Bundok ng Kota Kinabalu at maging sa Nigeria.
Belboy sa London, illegal alien sa Italy, street walker sa Amsterdam, puta sa Osaka!
Aray! Ang sakit mong magsalita talaga! E ano ngayon, lapad, dolar, pounds at riyal ang aking kita!---~~==+++==~~--
Hindi ko nais kutyain ang ating mga kababayan sa labas ng bansa, nais kong surutin ang mga punong bayan na siyang dahilan kung bakit nasa labas sila!
Walang trabaho, walang makain, walang mahita. Ni minimun wage ayaw ibigay ng mga ganid na negosyanteng walang kaluluwa.
Paposing-posing sa dyaryo, best employer daw, panay kaswal naman, fired every six months ang mga tao nila.
P MA CLASS 2000 SANGHAYA O kabataan Pinoy, na hibang sa cell phone at gimik, pakinggan ninyong mabuti, ang mga namatay may paghibik. Bente dos lang si 2Lt Gene Kenneth Bulong, ng siya ay sa Lamitan, Basilan, in the line of duty, ay di umurong. Sa Abu Sayyaf siya’y nakipaghamok, upang sa karapatan mong makapagtext ng payapa, dugo niya’y ipinalagok. Ang pinangungunahan niyang AFV ay sadyang pinasabog, RPG sa kanya idinagok, katawan sabog sabog. Gene Kenneth Bulong, bayani ng bayan. Bente dos lang din ang idad ni 2Lt Jessica Chavez, ng ang buhay niya’y tinapos ng isang bala, tama sa kanyang chest. Sabi ng kanyang ama, sanhi ng pagkamatay. ay paglaban sa katiwalian sa sandatahang lakas ng walang humpay Ang criminal case laban sa mga suspek na kapwa militar, idinrap ng prosecutor ng Rizal. Jessica Chavez, bayani ng bayan. Sa mga miyembro ng PMA Class 2000 Sanghaya, kami’y nagpupugay, lima na sa inyo ang iniuwing bayaning bangkay, Sa nakaraang limang taon, araw araw, isang sundalo, sa ating ...