Pa social social conscience, pa chamber chamber, pa business business club. Pag gabi, kasama ang taga BIR, nangangapa ng hita ng teenager sa night club.
US $ 21,000,000,000 o Php 1,176,000,000,000 daw ang padala sa bayan ng mga Pinoy sa abrod sa kanilang mga ka pamilya sa Pilipinas.
Kaya pala kahit anong laki ng nakaw sa Executive, Legislative, Government Corporations, BIR, Napocor,Customs, Public Works, Judiciary, Local Governments, AFP, AFP J1, J2, J3, J4, J5, J6, J7, J8 etc. ang gawin nila di maubos ubos…..ang mga dugo at pawis Pinoy ang siyang…sa utang at nakaw...ang pantubos!
Ang Php 1,176,000,000,000 ay pwedeng pambili ng 3,528,000,000,000 na hamburger. Ilang barkong hamburger kaya iyon? Pakicompute nga.
Dahil dito baka:8,000,000magulang, asawa, anak o kapatid ang wala sa bahay16,000,000mga anak ang walang magulang na gumagabay4,000,000asawa ang walang kaniig2,000,000dito kung hindi nagbabalak, ay nangangaliwa na.1,000,000anak na dahil sa lungkot, sa shabu napunta.500,000nasa Casino at naglilibang100,000sali sa pamahalaan para makapagnakaw10,000babaeng tinedyer, si Ate sa Japan, gustong sundan1,000iuuwing mistisong Hapon, Intsik, Nigerian o ano pa.100pupulutin sa Marillac, Haven ng babaing naligaw.
Mabuhay ang palakad ng pamahalaan ng ekonomistang bansot!
Dakila kang alipin, Pinoy! Dunong, kabataan at puri mo, para sa pamilya, huwag lang magutom, iyong ihahain.
Bilang ganti, kakaltasan ka nila ng tax, bago umalis, maging sa iyong pagdating.
Lulustayin nila ang kabang bayan, para ang pamilya mo ay palaging dumaraing.
Sisigurin nilang walang matinong hanap buhay sa bayan, para sa nakurakot nilang building sa San Francisco, bahay sa Ohio at townhouse sa New York ikaw ang maging tagalinis at taga flush ng toilet.
Kung malulungkot ka, itext mo na lang ang iyong boylet.
Popular posts from this blog
By
DARG
By
DARG
G ININTUANG MGA SALITA “ N asa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Diyos, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo ng matagal at pararamihin kayo. Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo.” (Deuteronomio 30:15-18) “ S aksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong anak at mga apo ay magtagal.” (Deuteronomio 30:156-18). WAKAS