SA LANSANGAN

Isang pagpupugay, sa mga alipin sa lansangan, aking iaalay.

Jeepney driver, bus driver, taxi driver, tricycle driver, screw driver at iba pa.

Sidewalk vendor, street vendor, ambulant vendor, Baclaran vendor, Divisoria vendor, market vendor at marami pa.

Paekis ekis sa trapik, patakbo takbo, pahiyaw hiyaw at papasa pasada. Gabi at araw, araw at ulan nasa kalsada.

Tong dito, lagay doon, abot kay tsip bigay kay sir at marami pa. Lahat ng nalapit, malaki ang tiyan at mayabang na.

Kung di nakayuniporme, galing sa City Hall, araw araw koleksyon, may mura pa.

Pagdaan ni sir, naka Pajero, pagdaan ni Mayor, naka Jaguar, sasaludo ka.

Buhol buhol na trapik, kapal usok ng tambutso, sira sira at bako bakong kalsada.

Titigan mo ang billbord, pera daw ni Kongresman ang sa daan ay nagpagawa. Hindi ba galing sa buwis mo ito, bakit utang mo daw ng loob sa kanila?

Plaka ng kotse niya ay otso, ang pakiramdam mo, ikaw ang naotso, wala kang magawa kung hindi manood na lang ng street children na nagsasayaw ng otso-otso.

Punta sa LTO, bayad medical exam pero ang tumingin hindi doktor, kuha ng drug test ang nag administer yung pusher.

No emission test if you give money to Tess. Buy insurance from the usual insurance syndicates. Pati plastic ID niraraket.

Hahatak ng sasakyan mo, goons. Dedemolish ng tindahan mo, goons. Araw araw nalapit sa iyo, goons.

Bilang gantimpala sa iyong pagdurusa, presyo ng langis at krudo, araw araw, itataas nila. Tax ng mga ito, para makabayad sa utang, itatas nila. Presyo ng bilihin, na iyong ititinda, itataas nila.

Tubo ng mga oil companies, itataas nila. Tax ng mga oil companies, ibababa nila ( malakas eh! ) Toll fee, itatas nila. Mayors permit, itataas nila.

Ang kabuhayan mo at ang pag-asa ng mga anak mo, ilulugmok nila. Hindi ka ba isang alipin?


PAGE 5 AND 6


Popular posts from this blog