HUNYO, 1899
Ipinanganak siya sa Maynila, sa lugar ng Urbistondo, nag aral ng husto at produkto ng Ateneo.
Tumuloy sa ibang bansa at nagtapos ng parmasyotiko, nagbalik sa bayan at naglingkod bilang isang kimiko.
Mahusay na manunulat sa kastila’t tagalog, ang sagisag na pangalang ginamit ay “Taga Ilog”.
Matapang, disiplinado at mapagmahal sa bayan, kinatakutan at kinamuhian ng maraming kalaban.
Itinapon sa Espana dahil paglaban ay di mapatid,nakulong at pinahirapan sa carcel ng Madrid.
Hindi masawata, hindi mapigil, bumalik sa bayan, at nakipaglabang muli ng may buong panggigigil.
Sariling mga kawal na lalami lamierda, hiniya at mahigpit niyang dinisiplina.
Isang araw siya’y nalinlang upang magtungo sa Cabanatuan, pagdating doon ay walang humpay na binanatan.
Maging sa kamatayan, bayan ang inaala ala, ang ibalot ang bangkay niya sa watawat ang huling paalala.
Heneral Antonio Luna magiting kang talaga, lapat sa iyo ang taguring pinakamagiting na mandirigma ng bansa.SETYEMBRE, 1982
Walang salaysay ang ano mang salaysay tungkol sa dekada sitenta, kung ang pangalan mo ay sabihing hindi namin sinisinta.
Hiniya mo ang kaduwagan ng mga mas matatanda pa sa iyo, ng ang halimaw na diktadura ay buong tapang na harapin mo.
Sa iyong magiting at tamang paninindigan, ang insultong salitang “Isa ka lang anak ng tindero!” ang tanging sagot ng pikong diktador, ang naulinigan.
Sa gitna ng panahon ng ligalig, kasamaan at kadiliman, para kang isang tala na umilaw sa buong sambayanan.
Pagpupugay sa iyo, bayan ay di masawata, TOYM award sa iyo ay iginantimpala.
Sa suliranin ng bayan ikaw ay lubusang namulat, dahil dito ay minabuti mong sa katiwalian maging taga pag ulat.
Ang pagpaslang sa iyo ay sadyang walang awa, may buhay at duguan pa, ang pagdala sa ospital, sa iyo itinatwa.
Kahit hindi ka dito nagtapos, sa UP ka ibinurol, pamantasan ay nagluksa, bayan ay humagulgol.
Nanaghoy ang lupang lumulon sa dugo ng ating mga kabataan, pero sisibul mula rito ang isang bagong silangan.
Edgar “Edjop” Jopson, bayan sa iyo ay walang bantayog pero huwag kang mag alala, sa giting wala sa iyong tatayog!MAYO, 1897
Sadya kang mahirap ng sa Tondo ay ipinanganak, naulila at sa murang gulang sa hirap agad nasabak.
Sa pagtaguyod sa mga kapatid lahat ng hanapbuhay pinasok, nagtinda ng alkitran, abanikong papel at bastong yantok.
Pagdadahop at karalitaan ay hindi naging sagabal, sa masidhing pagnanasa na matuto at makapag aral.
Sa sipag at tiyaga iyong napag alaman, na kalagayan pala ng bayan ay nasa bingit ng alangan.
Pagbabago ay hinangad ngunit hiling ay di pinansin, ng mga dayuhang walang ginawa kundi yamang bayan ay limasin.
Paglaya ng bayan kanyang minithi kaya naghanap ng mga kasamang kapareho ang budhi.
Itinatag ang samahan na binansagang “Katipunan” at paghihimagsik sa Pugad Lawin ay inumpisahan.
Buong tapang na nakipaghamok at nakipaglaban at dahil dito ay naging biktima ng inggitan at alitan.
Mga nagawa niya’y nalimutan, ipinadakip at nilitis, kasama ang kapatid, pinagbabaril sa bundok ng Buntis.
Gat Andres Bonifacio hindi mo kailangan ng monumento, pagdakila sa iyo ng bayan, di matutumbasan ng simento.
Kayong mga namatay at nagbuwis ng buhay sa gitna ng dilim, ang magtatapos sa paghahari ng mga sakim.
PAGE 45 to 47