MGA ESTADISTIKA

Sikat ang Pinas. Namber wan tayo sa pamimirata at pamemeke ng libro, kanta, cd, vcd at pang kumpyuter na kathang isip ng ibang bansa at tao.

Ayon sa “Newsweek” pangalawa lang sa atin ang Ukraine, pangatlo ang Russia, kasunod ang: China, South Korea at India.

Ayon naman sa “Asian Development Bank” pangatlo tayo sa South East Asia sa listahan ng mga bayan na may pinakamaraming sobrang naghihirap na tao.

Una na rito ang Cambodia, na nasalanta ng genocide, pangalawa ang Laos, na sinalanta ng mga giyera, at pangatlo ang Pinas, na sinalanta ng mga ganid.

Sa mga pinaka kurap na bayan sa mundo, sa pang-labing isa ay namamayagpag tayo. Sa mahigit na isang daan at apat na po’t anim na bayan sa buong mundo ay top EIGHT percent tayo!

Tap natser din tayo sa paramihan ng malalaking laboratoryo ng shabu. Kung di daang milyon ay bilyon ang halaga ng shabung nasasamsam sa iba’t ibang lugar ng ating kabayanan.

Hindi rin tayo pahuhuli sa paramihan ng utang at pahinaan ng pamamalakad ng pamahalaan.

Ang utang ng ating gobyerno mahigit limang trilyon, ang lugi ng pamahalaan ni Arroyo, mahigit dalawang daang bilyon taon taon.

Ang bukod tanging ahensiya ng ating gobyerno na tumutubo ng bilyon bilyon taon taon ay ang pasugalan ng Pagcor. Sa empleyado, ang bayad nila ay minimum!

Kung sa mga kategoryang di kanais nais ay top natser tayo, sa kategorya ng patinuan, ay nasa puwit tayo.

Sa mga bayang sinukat ng “World Economic Forum” No. 76 tayo sa pinakakompetibo. Malayo ang angat sa atin ang Malaysia (No. 31), kaya si Mahathir, kinukutya tayo.

Ang Indonesia ay lamang sa atin (No. 69), at pati ba naman ang Sri Lanka (No. 73) tayo ay nilampaso.

Ang natitirang ahead tayo ay sa mga bayan ng Aprika katulad ng Sudan, at Ethiopia. Sa tag gutom ngayon ay nangamamatay sila.

Balik tayo sa mga masasakit na istadistika.

Labing lima sa bawat isang daang Pinoy ay sobra ng naghirirap at nabubuhay lang sa halagang singkuwenta pesos bawat araw.

Bawat taon ang pambayad natin sa utang ay halos umabot sa pitong daang bilyon. Wala ng pera para sa serbisyo publiko.

Sa pagbabayad naman ng buwis ang palaging nagpapasan ay ang mga ordinaryong trabahador at empleyado. Otcienta por ciento ng total na buwis sa mga indibidwal ay kinakaltas sa kanila.

Ang ating bayan ay parang bayan ng San Roque.Dito, sumasayaw ang mga pilay, nanonood ang mga bulag at nakikinig ang mga binge.

Ang mga mahihirap ang pumapasan sa mga mayayaman, Ang mga kapos ang pinakamalaki ang bayad at walang laman ang tiyan.

Idagdag mo ang tunay na akomplisment ng SSS at GSIS, at tunay na mapapa iyak ka, bayan.

Ayon sa “National Statistical Coordination Board”, halos dalawampu’t pitong milyong Filipino o mahigit na apat na milyong pamilya o trenta’y cuatro por ciento ng buong bayan ay namumulubi at naghihikahos na.

Por Dios Por Santo!

Ayon sa “Social Weather Station” maraming Filipino, sa pagkain ay sumasala na. Ang spokesman ng pamahalaan nating mabunyi, nakangiti.

Nitong Oktubre, 2004, nareport sa diaryo, dalawang bata, namatay, sa pagkain ng basura.

Panis na lechon sa basura, kanilang kinain. Kanilang kaluluwa, tanging hinaing, bayan, bakit di ka magising?

PAGE 22 to 24

Popular posts from this blog