SA SANDATAHANG LAKAS
Ay marami ng nanghihina. Bala ay mintis, bota ay karton, gamit ay marupok, at gamot ay panis.
Kawawang sundalo, panay ilag sa kamatayan, habang ang “conversion” ay walang hintuan.
Tatlumpong taon na ang lumipas, na ang isang diktador ay may isang dakot na medalyang tansan, ay naging gawi pa rin na siya ay pamarisan.
Tansan, pasa quere tansan, from one to another chief of stuff and tansan, habang ang aping recruit, hubad sa gamit, kahawig ni Tarsan.
Parada dito, marcha doon, displey dito, displey doon, sa liwanag ng araw diddib na puno ng tansan, kumikinang.
Daang libong sundalong Katipunan, sa bala ng guardiya sibil ay humarap, dala lang ay gulok.
Daang libong naghimagsik na Pinoy, sa Amerkano’y lumaban, bitbit lang ay itak, at pagmamahal sa bayan.
Daang libo sundalong Pilipino, sa Bataan at Korehidor ay buong bangis na nanindigan.
Sa Mindanaw Luzon Visayas na mga kabundukan, abang Pinoy soldier ay buong tapang nakipagbakbakan.
Patay silang lahat, kasama na ang milyong sibilyan, dugo nila, ay naghuhumiyaw….
Ikaw dakilang sundalo, ang huling pag asa ng bayan, tapang mo’y di namin pagdududahan, pagmamahal sa bayan ay di tatawaran.
Hanggang kailan ka sasamba, sa mga ganid, hidhid, taksil at mayayabang, na ang dibdib ay puno ng…..tansan.SA MGA SIMBAHAN NG MGA KULTO
Pinaka espesyal.
Pagsali mo, walang resaynan. Matindi pa sa BIR ang buwis, pero sila tax exempt at hindi nagpapawis.
Ang kaharian daw nila ay sa langit, pero kindly pass da koleksyon baskit.
Pag hindi ka umatend, sa bahay mo sila ay mag pe pending pend.
Pag di mo sinunod ang utos, lagot ka pagkat ikaw ay sa pagkutya mauubos.
Napakaraming bersyon at panghilo, tao’y sadyang hinihilo.
Diyos daw ang sasambahin, pero pag nalingat ka, ang pinuno ang palaging pupurihin at didiyusin.
Payong daw ay baligtarin, medyas ay hubarin, panyo ay iwagayway, sa panlilinlang sila ay hindi masaway.
May paiyak iyak, may pa hiyaw hiyaw, kuntodo pati ang sayaw sayaw.
Para silang manyika, pero sino ang tunay na manyika?
Sino ang puppet, sino ang clown, sino ang papetir.
Sino ang alipin?
Sino ang baliw?
Asan ang dakila, na sadyang makikita, sa tunay na halimbawa?
PAGE 17 and 18