MAHIMBING MATULOG

Mahimbing matulog ang taong walang atraso, walang daya ang kanyang timbangan, ang supot niya’y walang bato.

Ang pinto sa bahay niya ay walang kandado, ang ilaw ng tahanan niya ay hindi pundido.

Malinis at malambot ang kama niya, poso ay di barado, pagsayad ng katawan niya sa kama, tulog agad sigurado.

Panaginip niya ay walang kahambing, namutawing ngiti sa labi sinundan ng tulog na mahimbing.

Pati mga tupa niya sa likod bahay ay sadyang tahimik, ang mga mababangis na lobo malayo at walang kaimik imik.

Ang taniman niyang ubas sa harap ng kanyang bahay, pagdating ng gabi palaging dinidilig ng hamog upang mabuhay.

Ang mga binata niya’y makikisig tumindig, at ang mga dalaga niya’y sa ganda, lahat ng puso napapapintig.

Ang mga araw niya ay payapa, ang mga payo niya ay biyaya at ang lahi niya ay tatanghaling dakila.

Ang lakad niya ay banayad, ang mga pangako niya’y palaging ginagawa’t tinutupad.

Ang sambayanan, siya’y tunay na iginagalang at pinakikinggan dahil sa lahat ng tao, bukas ang kanyang paminggalan.

Buwis na kanyang dala sa templo at pamahalaan ay tama, walang magnanakaw na nais lumapit sa kanyang tumana.

Ang tulog niya’y mahimbing, hindi katulad ng kanyang kapit bahay na buong gabi, pabiling biling.


TUNAY NA YAMAN

Doon sa malayong kaharian aking nakita, isang bayang sobrang saya at sagana.

Ang hari doon ay hindi nagtapos sa sikat na escuela, pero may sadyang natutunan tungkol sa pera.

Malayong taon na ang nakakalipas, ng ang buong bayan, sadya niyang ipinatawag at pinagpayuhan.

“Sa aking mahigpit na pananaliksik at pag aaral, kumunsulta ako sa mga henyo at nagdasal”

“Limang klase pala ang yaman, gamit at pinanggalingan ng pera, bayaang isaad ko sa inyong lahat na walang etce puera.”

“Ang unang salapi ay iyong bulok, ito’y mabaho ang amoy, inuuod at sadyang kasula sulasok.”

“Ang pilak na galing sa katiwalian at pagnanakaw, at sa gawaing labag sa batas, ay para bang isinusuksok sa bulsang butas.”

“Ito’y bulok na bagay na nakamamatay bago pa man ito sumayad, sa iyong kamay, huwag mong naisin, dahil anak mo, ito ang magiging sanhi ng pagkamatay.”

“Ang tanso na hindi pinaghirapan, mula sa sugal, namana, napangasawa o sadyang naiwan, ay lasong walang awa.”

“Dahan dahan nitong tutuyuin ang buto mo, pagnanais na magsikap at mag aral ay aalisin sa ulo mo.”

“Pababayaan ka nitong tumihaya at tumunganga, at ang katangiang bigay sa iyo ng Diyos, mawawalang kahanga hanga.”

“Ang pangatlo ay ang diamante ng awa, sa kabutihang puso ng ibang tao, bigay sa nanghinging kawawa.”

“Hindi ka nito biglang papatayin o dahan dahang lalasunin, katulad ng una at pangalawa.”


“Ngunit sadya ka nitong aantukin at tatanggalan ng dangal upang palagi kang nakasahod ang kamay at tutula tulala.”

“Ang pang apat ay tunay na salapi, ang tunog at taginting ay tama, ito ay yaong sa pagpapawis mo ay isinukli.”

“Perang galing sa mabuting hanap buhay, ay brilyante sa leeg ng iyong may bahay.”

“Kahit maliit at kakaunti, ipinapangako ko sa iyo, ipakain mo sa anak mo, at lalaki silang maganda ang ugali.”

“Ayan alam mo na ang dapat malaman, ang iyong minimithi, ang malalim na sikreto ng salapi.”

“Teka muna, mahal na hari, ang sabi mo ay lima, apat lang ang iyong isinaad, hindi ka ba nagkakamali.”

“Ahhhhh….matunog ka, gusto mo bang maging hari, kung ganoon, tanungin mo ang mga pastor at tunay na pari.”

“Ang panlima ay ang perlas ng lahat ng salapi, ito ang tunay na yaman na hari lamang ang mga kabahagi.”

“Pag wala na ang takot mo, pag hindi ka na nasisilaw ng salapi, ay buksan mo ang iyong palad at ito ay isauli.”

“Ang tunay na may ari, hindi ang mga pari, ngunit ang Diyos mo, na nagbigay ng hininga mo, kahit ito ay di mo mawari.”

“Pag natuto ka na, na isauli ito sa Kanya, takot at sumpa sa lupain mo ay mawawala, at iyong makakamtam ang….

Tunay na yaman.

PAGE 63 to 65


Popular posts from this blog