PAGHAHARI NG BATAS


“Gawin mo ang matuwid, huwag ang liko, upang ikaw ay mabuhay.”
(Amos 5:14)


“Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti, at pairalin sa mga hukuman ang katarungan.”
(Amos 5:15)

“Pairalin ang wastong paghuhukom tulad ng isang dumadagundong na ilog, at padaluyin ang katarungan, tulad ng walang katapusang alon.”
(Amos 5:24)

Pag nagawa natin ito, papawiin Niya ang lahat ng luha, kukupkupin at aarugain ang bawa’t ulila.

Aayusin ang lahat ng mga nawasak at nasira, bubuuin ang mga nadurog at pangingitiin ang mga maralita.

Ibabalik ang mga nawalang araw ng kabataan, mabubuhay na mga uli ang mga pangarap ng dukha.

Ang mga masisipag ay pagyayamanin, at ang mga mapagpunyagi ay gagantimpalaan.

Ang batas ay muling magkakaroon ng piring, mahirap man o mayaman ay pantay niyang ituturing.

Ang lahat ng mamamayan ay tutulong sa pamahalaan, ang kaunlarang panlahat, ang aasikasuhin ng lipunan.

Ang bitak at tuyo’t na lupa ay muling dadaluyan ng malakristal na tubig, muling magluluksuhan ang mga isda.

Ang ating mga panot na gubat ay muling magiging luntian, ang ating mga lupang nalason ay uusbungan.

Ang mga anak mo at anak ko ay mamumuhay ng masagana’t mapayapa, ang mga apo mo ay tatanghaling dakila.

Ang mahal nating bayang Pilipinas, sa buong mundo ay igagalang, hahangaan at gagawing magandang halimbawa.

At higit sa lahat….

Mapapawi ang takot, mawawala ang mga pangangamba, ang panahon ng paglikas at pagtakas sa bayan ay masasawata.

Lahat ng mga anak niya’y may awit na mag sisipag uwian mula sa lupang banyaga,dahil hindi na tayo lupain...ng mga alipin!

Tayo’y sadya ng malaya.

Patirin mo ang iyong mga tanikala.

Pawiin ang luha.

Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!

PAGE 71 to 72

Popular posts from this blog