PAGSAMBULAT NG LIWANAG


Huwag kang matakot sa malayo at malabong kinabukasan, huwag mong isangla ang iyong ngayon para sa bukas.

Ngayon ang tanging totoo. Ang bukas ay isang pangarap lang. Ang nakaraan ay panaginip.

Malalim na bangin na iyong kaharap hakbangin mo, dahil may natatagong baitang na naghahantay sa iyo.

Pagsambulat ng liwanag lahat ng dilim ay maiilawan, pagdating ng takdang panahon, lahat ng dumi ay malaladlad.

Kailan sasambulat ang liwanag? Ang sabi ni Amos pag ang pahayag nila’y…

“Tataasan naming ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain naming sa timbang ang mga mamimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhing alipin ang taong dukha.” (Amos 8:5-6)

Ayon kay Amos, ang sagot dito ng Diyos ay….

“Sila’y tiyak na parurusahan ko, sapagkat dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga walang sala at ipinagbiling alipin ang di makabayad, kahit sa halaga ng isang pares na sandalyas. Niyuyurakan nila ang mga walang kaya at ipinagtutulakan ang mahihirap”
(Amos 2:6 – 7)

“Hinihigan nila sa tabi ng alinmang dambana ang balabal na sangla ng isang may utang. Sa templo ng kanilang diyos ay nag-iinuman sila ng alak na binili ng salaping inagaw sa mga dukha.” (Amos 2:8)

“Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan at nagsasabi ng katotohanan sa mga hukuman. Sinisikil ninyo ang mga mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya’t hindi ninyo matatahanan ang bahay na batong inyong itinayo ni malalasap man ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. Alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan, kayo’y humihingi ng suhol at ipinagkakait ninyo sa dukha ang katarungan.”
(Amos 5: 10-12)

Dahil dito, ang wika ng Diyos….

“Darating din ang araw na paiiralin ko sa lupain ang tag gutom. Magugutom sila ngunit di sa pagkain; mauuhaw sila ngunit di sa tubig. Ang kauuhawan nila’y ang aking mga salita.”
(Amos 8:11)

“Kahabag-habag kayo na nahihiga sa magagarang kama at nagpapahinga sa malalapad na himlayan, habang nagpapakabusog sa masasarap na pagkain.”
(Amos 6:4)

“Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak at mamahaling pabango ang ipinapahid ninyo sa katawan.”
(Amos 6:6)

“…..ngunit ginagawa ninyong lason ang katarungan at pinalitaw na mali ang tama.”
(Amos 6:12)

Ang pangako ng Diyos sa kanila…..

“Wawasakin ko ang mga bahay na pantaglamig at pantag-araw. Guguho ang mga bahay na may mga garing na palamuti, gayon din ang bawat bahay na malaki.”
(Amos 3:15)

“Ang mga bahay nila’y punung –puno ng mga bagay na nakamkam nila sa pamamagitan ng pagpatay at karahasan. Kaya’y kukubkubin sila ng isang kaaway, wawasakin ang kanilang mga muog, at hahalughugin ang kanilang mga tahanan.”
(Amos 3-10-11)

“Hindi sila makaliligtas sa aking parusa, sapagkat hinamak nila ang mga aral ko at nilabag ang aking mga utos.”
(Amos 2:4)

Pagsambulat ng liwanag, ang huling utos ng Diyos ay….

“Hampasin mo ang mga haligi ng templo hanggang sa mauga ang buong pundasyon. Bayaan mong magkadurug-durug ang mga ito at bumagsak sa ulo ng mga tao.”
(Amos 9:1).


Hindi mo ba nadarama, o ayaw mong damahin, na malapit ng tuluyang mabalot ng dilim ang bayan, ngunit may panahon pa, upang tayo’y lumilim at magkubli…….

Sa pagsambulat ng liwanag!

PAGE 68 to 70


Popular posts from this blog