Filipino, Isa Kang Alipin NEXT PAGE
Posts
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
G ININTUANG MGA SALITA “ N asa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Diyos, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo ng matagal at pararamihin kayo. Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang diyos, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo.” (Deuteronomio 30:15-18) “ S aksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong anak at mga apo ay magtagal.” (Deuteronomio 30:156-18). WAKAS
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
P AGHAHARI NG BATAS “Gawin mo ang matuwid, huwag ang liko, upang ikaw ay mabuhay.” (Amos 5:14) “Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti, at pairalin sa mga hukuman ang katarungan.” (Amos 5:15) “Pairalin ang wastong paghuhukom tulad ng isang dumadagundong na ilog, at padaluyin ang katarungan, tulad ng walang katapusang alon.” (Amos 5:24) Pag nagawa natin ito, papawiin Niya ang lahat ng luha, kukupkupin at aarugain ang bawa’t ulila. Aayusin ang lahat ng mga nawasak at nasira, bubuuin ang mga nadurog at pangingitiin ang mga maralita. Ibabalik ang mga nawalang araw ng kabataan, mabubuhay na mga uli ang mga pangarap ng dukha. Ang mga masisipag ay pagyayamanin, at ang mga mapagpunyagi ay gagantimpalaan. Ang batas ay muling magkakaroon ng piring, mahirap man o mayaman ay pantay niyang ituturing. Ang lahat ng mamamayan ay tutulong sa pamahalaan, ang kaunlarang panlahat, ang aasikasuhin ng lipunan. Ang bitak at tuyo’t na lupa ay muling dadaluyan ng malakristal na tubig, muling magluluksuhan ...
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
P AGSAMBULAT NG LIWANAG Huwag kang matakot sa malayo at malabong kinabukasan, huwag mong isangla ang iyong ngayon para sa bukas. Ngayon ang tanging totoo. Ang bukas ay isang pangarap lang. Ang nakaraan ay panaginip. Malalim na bangin na iyong kaharap hakbangin mo, dahil may natatagong baitang na naghahantay sa iyo. Pagsambulat ng liwanag lahat ng dilim ay maiilawan, pagdating ng takdang panahon, lahat ng dumi ay malaladlad. Kailan sasambulat ang liwanag? Ang sabi ni Amos pag ang pahayag nila’y… “Tataasan naming ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain naming sa timbang ang mga mamimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhing alipin ang taong dukha.” (Amos 8:5-6) Ayon kay Amos, ang sagot dito ng Diyos ay…. “Sila’y tiyak na parurusahan ko, sapagkat dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga walang sala at ipinagbiling alipin ang di makabayad, kahit sa halaga ng isang pares na sandalyas. Niyuyurakan nila ang mga walang kaya at ipinagtutulakan ang mahihirap” ...
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
A RAW NG MGA DAKILA Ang buhay ng tao sa lupa ay sadyang maikli, ang mga taon ay para bang naghahabulan at naglalahong walang pasubali. Ngunit ang limampung taon ay para bang panahong napakahaba, sapat upang makaipon ng salaping milyon at tayo’y magpasasa. Kung ito ang sa buhay ay adhika, para bang nakalimutan natin na sa totoo, 50 taon ay katumbas lang ng 18,250 umaga. Napaka kaunti pala ng ating mga araw at umaga, sino sa atin ang may natitira pang 20,000 araw sa balat ng lupa? ++++++++++++++++++++++ Ang buhay ng tao ay sadyang mahiwaga, ang mayroon ay nawawalan, at ang maikli ay maari kayang maging walang hanggan? Bukas, sa pagsilang ng isang bukang liwayway, kung mamahalin mo ito at ituturing na isang bagong buhay…… At ito sa Diyos at sa kapuwa tapat na iaalay, lahat ng ulap kaya sa langit ay mawawala at araw ay magkakaroon ng sari saring kulay? Pagkaing walang lasa kaya ay biglang sasarap, at bawat makasalubong ay kagyat na magngingitian at di iirap? Ang pananakit kaya ng kata...
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
M AHIMBING MATULOG Mahimbing matulog ang taong walang atraso, walang daya ang kanyang timbangan, ang supot niya’y walang bato. Ang pinto sa bahay niya ay walang kandado, ang ilaw ng tahanan niya ay hindi pundido. Malinis at malambot ang kama niya, poso ay di barado, pagsayad ng katawan niya sa kama, tulog agad sigurado. Panaginip niya ay walang kahambing, namutawing ngiti sa labi sinundan ng tulog na mahimbing. Pati mga tupa niya sa likod bahay ay sadyang tahimik, ang mga mababangis na lobo malayo at walang kaimik imik. Ang taniman niyang ubas sa harap ng kanyang bahay, pagdating ng gabi palaging dinidilig ng hamog upang mabuhay. Ang mga binata niya’y makikisig tumindig, at ang mga dalaga niya’y sa ganda, lahat ng puso napapapintig. Ang mga araw niya ay payapa, ang mga payo niya ay biyaya at ang lahi niya ay tatanghaling dakila. Ang lakad niya ay banayad, ang mga pangako niya’y palaging ginagawa’t tinutupad. Ang sambayanan, siya’y tunay na iginagalang at pinakikinggan dahil sa lahat ng...
- Get link
- X
- Other Apps
By
DARG
T AG SIBOL? Na aalaala mo pa ba, ng sa ilalim ng bilog na buwan tayo ay nagkita, gusto mong maglaro, magbiro at tumawa? Natatandaan mo pa ba, ang maraming kulay ng mga gumamela, ang sari sari paru paro, tutubing karayom, at ang sayaw ni Pamela? Si Rudyard na matawanin, si Rex na mapagbiro, si Anthony’ ng mahiyain at si Jess na puro laro? Ikaw ba ang unang taya sa laro nating tumbang preso, o ikaw yung dakang umuwi ng sa piko ay matalo? Ilang beses ba tayong naglaro ng taguan, nanguha ng kuhol at namingwit ng palaka sa kabukiran? Kasama ka ba ng si Pedro ay habulin ng itak, ng mapagkamalan ni Lolo Ariong na humuli sa kanyang tagak? Nalimutan mo na ba ng ikaw ay mawala sa tumana, at ng makita ka, nasa tabing ilog at doon papaya’y pinapana? Panahon ng tag sibol noon ng tayo’y magkalayo, ang mga halaman ay nag uusbungan at tanim ay sadya pang patayo. Ako ay nauwi upang magsaka at magpawis sa Cotabato, at ikaw ay napasok at nagmarcha bilang sundalo sa Campo. Paglipas ng dalawampung taon ba...